^

Probinsiya

Lola inutas, inilibing ng kapitbahay na magsasaka

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY , Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa lupain ang isa motibo kaya pinatay sa  gulpi ang 68-anyos na lola ng kanyang kapitbahay na magsasaka bago inilibing sa Barangay Rogus, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktimang si Metring Gacao habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Roberto Cauilan, 38, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report, lumilitaw na inakusahan ng biktima ang suspek ng pagbungkal at paglilipat ng mohon ng kanilang lote upang lumawak ang lupain nito.

Dito nagdilim ang pa­ningin ng suspek kaya inilublob nito ang ulo ng matanda sa maputik na palayan upang masigurong mapatay.

Gayun pa man, hindi pinatahimik ng konsensiya ang suspek dahil sa pagpaparam­dam sa kanya ng biktima kaya nagpasya itong magpasama kay Chairman Jerry Hermoso upang sumuko sa pulisya.

Narekober naman ng pulisya ang bangkay ng matanda na sinasabing naaagnas matapos ituro ng suspek ang pinaglibingan sa likuran ng kanyang bahay.

vuukle comment

BARANGAY ROGUS

CAUAYAN CITY

CHAIRMAN JERRY HERMOSO

DITO

GAYUN

ISABELA

METRING GACAO

NAGTAMO

ROBERTO CAUILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with