Army nilikida sa sabungan

BULACAN, Philippines  – Pinabulagta ang 33-anyos na sundalo ng Phil. Army matapos pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sa loob ng sabungan sa Barangay Bigte sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Corporal Chauncy Day, nakatalaga sa 56th Infantry Battalion ng Phil. Army sa San Jose del Monte City at nakatira sa bayan ng San Rafael, Bulacan. Sugatan naman ang isa sa nakabarilan ng biktima na si BJ Cabauatan Aluan, 20, ng Mariveles Street, Mandaluyong City matapos na tamaan sa kanang hita habang naka­takas naman ang dalawa nitong kasamahan na natukoy sa alyas Jenny at Jong. Naganap ang insidente sa loob ng New Bigte Coliseum Cockpit Arena bandang alas-4:30 ng hapon kung saan narekober naman ang cal. 45 pistol ng biktima.

Show comments