^

Probinsiya

Misis tumalon sa ilog, utas

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  – Sa ikatlong pagpapakamatay ay hindi na nakaligtas kay kamatayan ang 37-anyos na misis matapos itong tumalon sa malalim na ilog sa Barangay Longo sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga. Hindi na naisalba pa ng mga sumaklolong tauhan ng Pulilan rescue team ang biktimang si Leonora Rehawi ng Barangay Lugam sa Malolos City. Sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakatayo sa gitna ng tulay kung saan bigla na lamang tumalon sa may 30 metrong lalim na ilog. Ayon sa kapatid na si Christopher Estrella, unang nagpatiwakal ang kanyang utol  sa ilog ng Calumpit noong Oktubre ngunit nasagip ng pulisya. Nasundan pa ito noong Sabado kung saan tumalon naman ang biktima sa ilog ng Pulilan subalit nasagip din. Subalit sa ikatlong pagkakataon ay hindi na ito sinanto ni kamatayan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LONGO

BARANGAY LUGAM

BULACAN

CALUMPIT

CHRISTOPHER ESTRELLA

LEONORA REHAWI

MALOLOS CITY

NASUNDAN

OKTUBRE

PULILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with