^

Probinsiya

Guro dakma sa buy-bust

- Raymund Catindig - The Philippine Star

ILAGAN CITY, Philippines  - Isa na namang guro ng pampublikong paaralan na sinasabing nagtutulak ng bawal na gamot ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calaocan sa bayan ng Bambang, Nueva Viscaya kamakalawa.

Ayon kay PDEA Regional Director Juvenal Azurin, ang pagkakaaresto sa suspek na si Giovani Adzuara, 40, ng Abiangan Elementary School sa nasabing lugar ay ikalawang guro ng pampublikong school na ang kanilang naaresto simula noong Hunyo.

Nasamsam kay Adzuara ang 28 gramong shabu na nakalagay sa plastic sachet kasama ang P28,000 marked money na tinanggap nito mula sa ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer. Inimpound ng PDEA ang Starex van ng suspek na sinasabing ginagamit nito sa pagpapakalat ng droga sa mga estudyante.

Sa tala ng PDEA, si Rachele Malsi, 40, ng BarangayTallungan Elementary School sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela ay naaresto rin matapos nitong pagbentahan ng 2-gramo ng shabu ang isang PDEA poseur-buyer.

vuukle comment

ABIANGAN ELEMENTARY SCHOOL

ADZUARA

BARANGAY CALAOCAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELEMENTARY SCHOOL

GIOVANI ADZUARA

NUEVA VISCAYA

RACHELE MALSI

REGIONAL DIRECTOR JUVENAL AZURIN

REINA MERCEDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with