3 kawatan ng bike, tiklo

NUEVA ECIJA, Philippines – Kalaboso ang tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na kawatan ng motorsiklo matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa Sitio Tawi-Tawi, Barangay Dampulan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na si Jessie Mallari, 23, ng  Barangay San Carlos, Cabiao, NE; Rodolfo Rubia, 39, fishpond caretaker, ng Concepcion, Cabiao, Nueva Ecija; at si Joseph Padilla, 20, ng Arayat, Pampanga. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay isinasangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Barangay Sinipit sa bayan ng Cabiao noong Setyembre 25.

Show comments