Stude lumaklak ng silver cleaner, dedo

BULACAN, Philippines  – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pag-ibig at pag-aaral ang 17-anyos na estudyante kaya nag­desisyong magpasalubong kay kamatayan matapos lumaklak ng silver cleaner sa kanilang tahanan sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Bumubula pa ang bibig at nakaluhod sa tabi ng kama nang matagpuan ang biktimang si Reyna Calayong ng Francisco Homes 3 sa nasabing barangay. 

Napag-alamang tinawag ang biktima ng kanyang utol subalit hindi sumasagot kaya napilitang sirain ang pintuan kung saan bumulaga ang nakabulagtang biktima. 

Sa pagsisiyasat ni PO2 Reynaldo Bayan Jr., narekober sa tabi ng biktima ang botelya ng silver cleaner na ginamit sa pagpapakamatay at ang suicide note na humihingi ng tawad sa kanyang mga mahal sa buhay sa ginawa niya.

Show comments