Bike vs kotse: Stude utas, 4 grabe

ILAGAN CITY, Philippines – Kamata­yan ang sumalubong sa 16-anyos na estudyante habang apat naman ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng kotse ang dalawang motorsiklong nagkakarera sa kahabaan ng highway sa Barangay Minante I, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Dindo Asuncion ng Barangay Nacanacang habang sugatan naman sina Reymart Lucas, 18; Fernando Bagalay, Robert Soriano, 27; at Joey Malana, 21, kapwa nakatira sa Barangay Silawit.

Samantala, nadakma naman ang driver ng kotse na si Peter Garcia, 56, provincial guard sa kapitolyo ng Isabela at sinasabing walang lisensya sa pagmamaneho.

Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo sina Lucas at Asuncion nang makipagkarera sa motorsiklo nina Bagalay, Soriano at Malana kung saan nakasalubong naman ang kotse ni Garcia na humantong sa trahedya.

Show comments