3 snatcher arestado

QUEZON, Philippines  – Nagwakas ang modus operandi ng tatlong notoryus na snatcher matapos masakote ng pulisya sa Maharlika Highway sa Barangay Ilayang Iyam sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Nasa rehas na bakal sa himpilan ng Lucena City PNP ang mga suspek na sina Christian Jaylo, 20; Ireneo Ranuda, 25; at si Rogelito Paraiso, 33, pawang mga nakatira sa Barangay Salinas. Base sa imbestigasyon ni PO3 Jeff Tamaray, pauwi na sana ang biktimang si Clarissa Pangilinan nang harangin at agawin ng isa sa tatlong nakamotorsiklo ang kanyang cell phone.Tiyempo namang nagpapatrolya ang patrol car 117 ni PO3 Ro­derick Japor kaya nagkahabulan hanggang sa masukol ang mga suspek. Sa himpilan ng pulisya ay itinuro rin ang mga suspek ng isa pag biktimang si Ricardo Ragot na naagawan ng bag na naglalaman ng P4,000.

Show comments