^

Probinsiya

Tulak utas sa drug-bust

- Boy Cruz - The Philippine Star

MARILAO, Bulacan, Philippines – Bumulagta ang isang pinaghihinalaang big time na drug pusher habang kritikal naman ang isang sibilyan na tinamaan ng ligaw na bala matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad ang suspek sa P1.3 M drug bust operation sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing suspek na si Marvin Trinidad; 30, residente ng Brgy. Coloong 1st, Valenzuela City habang kasalukuyan pang nasa kritikal na kondisyon ang kalagayan ni Jonathan Barrameda, 20, cook ng Padi’s Point at residente ng Brgy. Ibayo sa bayang ito matapos na tamaan ng ligaw na bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan na agad na naisugod sa ospital.

Base sa ulat ng pulisya dakong alas-4:35 ng hapon ay nakipagkita ang posueur buyer na pulis ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force sa suspek sa isang lugar sa Masipag St., Brgy. Ibayo na nakipag-deal na bibili ng shabu sa halagang P1.3 milyong piso kung saan ang pambayad ay ipadadala na lamang umano sa isang remittance center sa loob ng isang shopping mall sa lugar.

Natunugan naman ng suspek ang presensya ng mga nakapalibot na mga parak kaya agad itong nagpaputok na nauwi sa shootout.

Narekober sa lugar ang tinatayang aabot sa kalahating kilo ng shabu, isang .45 kalibre ng baril at mga bala nito, isang motorsiklong Yamaha MIO, two way radio, dalawang cell phone at mga expired na I.D. ng National Bureau of Investigation mula sa napatay na suspek habang tinutugis na ang nakatakas nitong kasamahan.

vuukle comment

BRGY

BULACAN

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

IBAYO

ISANG

JONATHAN BARRAMEDA

MARVIN TRINIDAD

MASIPAG ST.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with