Inhinyero, 1 pa pinabulagta

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Tanza-Trece Road sa Barangay Paradahan 2 sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Engr. Emerson Banasihan, 34, may asawa, ng Luna Street, Barangay Poblacion 2, Silang at Mario Roy Jamandron, 39, may asawa, ng Belview Meadow, Barangay Bagtas sa bayan ng Tanza. Sa imbestigasyon nina PO2 Benny Sabio, ang kaangkas sa motorsiklo ni Banasihan ang bumaril sa kanya kung saan sumemplang ang bike. Pinilit na pinaandar ng gunman ang motorsiklo ni Banasihan subalit nabigo ito kaya hinarang at binaril ang paparating na si Jamandron. Dito na ginamit ng gunman ang motorsiklo ni Jamandron para makatakas sa crime scene.

Show comments