Ex anti-drug cop dakma sa drug bust

BAGUIO CITY, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dating anti-drugs policeman matapos itong maaresto sa pagbebenta ng shabu sa kasagsagan ng ulan sa San Fernando City, La Union kamakalawa. 

Pormal na kakasuhan ang suspek na si Ceferino “Kabog” Carino Jr., 41, dating naka-assign sa Regional Anti-Illegal Drugs Task Force na nag –AWOL bago nasibak sa tungkulin.

Naaresto rin ang kasabwat na siJoseph Dangalan, 35, serye ng operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.

Ayon kay P/Chief Inspector Edgar Afalla, regional director ng PDEA-Region 1,  si Dangalan ay naaktuhang nagrerepak ng shabu habang si Carino naman ay nasakote sa inilatag na buy-bust operation kung saan narekober ang 4-plastic na shabu, cellular phone, ilang drug paraphernalia at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Show comments