Bike vs dyipni: SK chairman dedo

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 19-anyos na chairman ng Sangguniang Kabataan matapos salpukin ng pampasaherong jeepney ang kanyang motorsiklo sa Barangay Maguiling, Piat sa Cagayan kamaka­lawa.Tumilapon ng ilang metro ang biktimang si Christian Tulugan ng Barangay Pata sa bayan ng Tuao kung saan idineklarang patay sa ospital. Nasakote naman ng pulisya ang driver ng dyipni na si Joleo Eneres, 34, ng Barangay Tabang sa bayan ng Sto. Niño.

Show comments