2 minero nalunod sa minahan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Dalawang minero ang iniulat na nasawi matapos na malunod sa abandonadong minahan sa Purok Maligaya, Barangay Palanas sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kahapon ng madaling araw. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang matagpuan ang mga bangkay nina Cornelio Balutan, 34 , may asawa, ng Barangay Labnig, Paracale; at Jay -R Fortades, 21, ng Libmanan, Camarines Sur. Ang dalawa na hindi nagpaalam sa kanilang amo ay nalunod matapos pumasok sa inabandonang minahan na may maruming tubig. Ed Casulla

Show comments