3 mangingisda nasagip

CATANAUAN, QUEZON, Philippines  – Nailigtas ng mga operatiba ng lokal na pulisya ang tatlong mangingisda na galing sa Romblon matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang bangka at mapadpad sa karagatang sakop ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang ginagamot sa Bondoc Peninsula District Hospital sina Rene Pallerna, 38, Joel Fajardoza Jr. 41, at Pepito Palleran, 32, pawang mga residente ng  Corcuera, Simara Island, Romblon.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Esperidion Tan, dakong alas-2 ng hapon ay namataan ng mga mangingisda ng Catanauan, Quezon ang mga biktima na nakapanguyapit sa mga plastic container at  palutang-lutang sa karagatan.

Sa salysay ng mga biktima sa pulisya, noong Hunyo 18 ay sakay sila ng FB/Pincess Loan upang ideliver sa Boac, Marinduque ang 85 biik  na galing sa kanilang bayan subalit habang nasa bahagi na sila ng karagatang sakop ng Simara Island sa Romblon ay hinampas ng malalaking alon ang kanilang bangka na naging sanhi upang ito ay lumubog.

Show comments