Ama inutas sa harap ng 3 anak

MANILA, Philippines - Binaril at napatay sa harap ng kaniyang tatlong anak ang 41-anyos na ama ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bertuldo Diaz ng Barangay San Mateo, Butuan City.

Sa imbestigasyon, naganap ang pamamaslang sa bahagi ng Sitio Mabuhay bandang alas-4 ng hapon.

Nabatid na patungo sana ang mag-aama sa birthday party ng kanilang malapit na kaanak nang makasalubong si kamatayan.

Lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktima, kaangkas ang kanyang tatlong anak na sina Kimberly, 12; Jun, 9; at Bernard, 7; nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Pinagbabaril ang biktima sa ulo habang hindi naman idinamay ang mga anak nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments