2 dakma sa anti-porno

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng dalawa-katao matapos maaktuhan ng mga operatbia ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nagbebenta ng mga pornographic material sa Davao City kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Jabbar Acmad, 28; at isang menor-de-edad na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan. Ang dalawa ay nasakote sa inilatag na anti-pornographic campaign operations sa San Pedro at Ilustre Streets sa nasabing lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang 166 pornographic DVD’s at iba pang pornographic material na ibinebenta sa Davao City.

Show comments