4 arestado sa buy-bust

MANILA, Philippines - Kalaboso ang apat-katao kabilang na ang sinasabing notoryus na lider ng drug group matapos masakote sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at lokal na pulis sa Sitio Matangib, Barangay Cawag sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Madji Jumdani, 38, lider ng Majie Drug Group; Abdul Hawari, 32; Jeordana Cruz, 25; at si Trixie Ortegeuza, 19; pawang nakatira sa Purok 6B, Muslim area, Barangay Calapacuan sa nabanggit na bayan. Nasamsam sa mga suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu, assorted drug paraphernalia, racing boat, at dalawang cal.22 rifle.

Show comments