^

Probinsiya

16-anyos pinagmaramutan, nagbigti

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang pinagmaramutan ng mga magulang kaya nagdesisyon ang 16-anyos na lalaki na magbigti sa palikuran ng kanilang tahanan sa Fish Port, Barangay Poblacion Norte sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Bandang alas-5 ng hapon nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Ryan Salud. Huling namataang buhay ang biktima na humihingi ng pera sa kanyang mga magulang subalit hindi binigyan kaya nagmukmok na nagkulong sa palikuran. Dito na inusisa ng kasambahay ang kinaroroonan ng biktima matapos na hindi lumabas may ilang oras na ang nakalipas kung saan bumulaga sa kanila ang nakabiting katawan ng binata.

BANDANG BARANGAY POBLACION NORTE CAMARINES NORTE DITO FISH PORT HULING LEGAZPI CITY PARACALE PINANINIWALAANG RYAN SALUD
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with