Saloon owner pinabulagta

CAVITE, Philippines - Napatay ang saloon owner matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Panapaan 4 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Armando “Myles” Sumalinog ng Tagaytay City, Cavite habang naaresto naman ang suspek na si Arjay Garcia, 22, ng Mabini Street, Barangay 4, Amadeo, Cavite. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman ng alak sa suspek sa loob ng kanyang kuwarto hanggang sa matagpuang patay ito bandang alas-12:45 ng madaling araw sa Reyes Compound Family Village.

Show comments