Barangay kagawad itinumba

CAVITE, Philippines – Isa na namang barangay kagawad ang niratrat at napatay ng di-kilalang lalaki sa Barangay Anabu I-D sa bayan ng Imus, Cavite noong Lunes ng umaga. Dalawang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Samuel Silla Santarin, 45, kung saan idineklarang patay sa Pilar Hospital. Sa ulat ni SPO1 Jose Mangmang, lumilitaw na nag-aayos sa loob ng tindahan ang biktima nang lapitan at pagbabarilin. Wala naman matukoy na motibo ang pulisya para paslangin ang biktima. 

Show comments