^

Probinsiya

Magsasaka sinunog nang buhay

- Ni Boy Cruz -

DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, BULACAN ,Philippines  – Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang magsasaka makaraan itong sunugin nang buhay habang natutulog sa tinitirhang kubo sa isang bulubunduking lugar sa bayang ito kamaka­lawa ng gabi.

Halos hindi na makilala ang katawan at mukha ng biktima bunsod ng tinamong sunog sa buong katawan na kinilang si Wakit Ba­ngubong 35, tubong Nueva Vizcaya at residente ng Sitio Silao,Brgy.Camachin ng bayang ito.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-10 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang hindi pa nakilalang mga salarin.

Sinilip pa umano ang hindi pa mabatid na bilang ng mga kalalakihan at ng makumpirmang nasa loob ang biktima na mahim­bing na natutulog ay agad na binuhusan ng gasolina ang palibot ng kubo saka sinilaban.

Dahilan yari lamang sa pawid at kawayan ang kubo ay mabilis itong naglagablab hanggang sa maabo kung saan nabigo ng makalabas ang biktima na nasawi noon din sa insidente.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang d­ireskyon.

Isinasailalim pa ng mga imbestigador sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

BRGY

CAMACHIN

DAHILAN

ISINASAILALIM

KARUMAL

MABILIS

NTILDE

NUEVA VIZCAYA

SITIO SILAO

WAKIT BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with