Lolo 'di makasingil ng pautang, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 69-anyos na lolo matapos na hindi makasingil ng kanyang pautang sa mga kamag-anak sa Barangay Baraoas Sur sa bayan ng Naguillian, La Union kamakalawa.

Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktimang si Ponciano Mubo na nakabitin sa sanga ng punong mangga sa loob ng compound ng sementeryo.

Napag-alamang malimit mag-away ang biktima at ang asawa nito kaugnay sa malaking halaga na pi­nautang ng una sa kanyang mga kamag-anak kaya wala silang panggastos sa pang-araw-araw.

Noon pang 1998 nagpautang ang biktima sa mga kaanak nito na wala pang nasisingil na bayad kaya sinasabing walang araw na hindi dila nag-aaway ng kanyang misis.

Dahil sa matinding sama ng loob, pinagpasyahan ng lolo na kitilin ang kanyang buhay na sinasabing lihim naman ikinatuwa ng ilang kamag-anak na may pagkakautang sa matanda.

Show comments