Bus vs dyipni: 3 dedo, 21 sugatan

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagdalo sa kasalan matapos na masawi ang 3-katao habang 21 iba pa ang nasu­gatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang priba­dong jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay Port Junction Norte sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nasawi habang ginagamot sa Ragay District Hospital ay sina Nelson Mayo, 39, driver ng jeepney; Alberto Resava, 40; at si Cecille Resava. Samantala, sugatan naman ang 18 sakay ng jeepney at tatlo naman mula sa bus na mabilis na isinugod sa nasabing ospital. Ayon kay PO1 Domingo Nancisa, lumilitaw na umiwas sa lubak ang bus ni Michael Arcoceba subalit hindi nito naiwasang salpukin ang dyipni na sinasabing pabalik na sa bayan ng Balete, Batangas mula sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Show comments