Magsasaka tumba sa kidlat

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Nasawi ang 25-anyos na  magsasaka habang dalawa nitong kasamahan ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng palayan sa Barangay San Francisco sa bayan ng Magarao, Camarines Sur kamakalawa ng tanghali. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Sebastian Luna Jr. habang sugatan naman sina Gregorio Amero, 41; at Fernando Romero, 56. Ayon sa ulat, abala ang tatlo sa paglilinis sa palayan nang biglang kumulog at sinabayan ng matalim na kidlat kung saan sumapol sa mga biktima.

Show comments