3 Salisi Gang arestado

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na Salisi Gang ang nasakote ng pulisya matapos maaktuhan sa kanilang modus operandi as Barangay Burol 2 sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga.Pormal na kakasuhan ng pulisyan ang mga suspek na sina Alexander Melari, Elizabeth Abao, kapwa nakatira sa Brgy. San Nicolas, Bacoor, Cavite; at Mary Grace Cruz, ng Bustos, Bulacan. Base sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, ang tatlo ay naaktuhang biniktima ang bakasyunistang si Maxima Ignacio sa gasolinahan kung saan natangay ang bag na naglalaman ng P.2 milyong ari-arian. Dahil sa pagka-alerto ni Ignacio na matangay ang kanyang bag ay nakahingi ito ng saklolo sa mga tauhan ni Macariola na nagkataon namang nagpapatrolya sa nasabing lugar. Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos damputin ng pulisya kung saan narekober naman ang shoulder bag ng biktima.

Show comments