Salvage victim natagpuan

CAVITE, Philippines – Isa na namang biktima ng summary ­execution ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Pasong Buaya 1 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10:45 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Eduardo Santos, 58, ng Barangay Bucal, Tanza, Cavite. Sa police report, si Santos na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ay iginapos saka isinilid sa garbage bag. Pinaniniwalaan namang pinatay ang biktima sa ibang bayan saka itinapon sa nasabing barangay upang iligaw ang mga imbestigador ng pulisya.

Show comments