Pulis inararo ng ambulansya

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayana ang sumalubong sa isang pulis-Bato Bato makaraang mahagip ng ambulansya ang kanyang motorsiklo sa bayan ng Bato, Albay kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Eastern Bicol Med Center ang biktimang si PO1 Ariel Manlangit na nakatalaga sa intelligence unit ng nasabing bayan. Pormal namang kakasuhan ang driver ng Ambulansya na si Lito Toledo, 46, nakatira sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes. Base sa police report, patungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang nagmomotorsiklo nang mahagip ng ambulansya ni Toledo na sinasabing naghatid ng pasyente sa bayan ng Virac.

Show comments