9-anyos dedo sa van

BATAAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 9-anyos na mag-aaral matapos mahagip ng van sa MacArthur Highway sa Barangay Calaylayan sa bayan ng Abucay, Bataan kamakalawa ng hapon. Namatay habang ginagamot sa Isaac Catalina Medical Center ang biktimang si Francis Ayad Navarro, Grade 3 pupil sa Calaylayan Elementary School. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang drayber ang van na si Maria Theresa Morales ng Sitio Kawayan, Brgy. Tugatog sa bayan ng Orani, Bataan. Base sa police report, patawid ang biktima nang mahagip ng van.

Show comments