3 bulagta sa clan war

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 2,000 residente ang nagsilikas matapos na sumiklab ang giyera ng magkalabang angkan sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Col. Prudencio Asto ng Army’s 6th Infantry Division ang tatlong nasawi ay mula sa angkan ni Chairman Jerry Macalay ng ­Barangay Baita at ang nasugatan naman ay mula sa angkan ni Chairman Duma Ugayan ng Barangay Malipodok.

Nabatid na muling nagpanagupa ang magkalabang angkan kahit na nagsilagda sa “Quran’ na hindi na mu­ling magsasagupa at paiiralin ang ceasefire upang walang madamay na sibilyan.

Nabatid na mahabang panahon na ang alitan sa pagitan ng dalawang angkan dulot ng agawan sa lupain.

Nakaalerto naman ang tropa ng militar upang mapigilan ang posible pang pagsasagupa ng magkalabang angkan.

Show comments