Explosion: 2 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasugatan makaraang aksidenteng sumabog ang isang bomba na pinaniniwalaang itinanim ng Lawless Muslim Group (LMG)  sa Cotabato City kamakalawang gabi.

 Kinilala ni Brig. Gen. Emmanuel Ochotorena, Assis­tant Division Commander ng Army’s 6th Infantry Division ang mga nasugatang biktima na sina Bainot Pasandalan at Lali Pasandalan; pawang isinugod na sa pagamutan para malapatan ng lunas. 

Batay sa imbestigasyon,sinabi ni Ochotorena  na naganap ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa kahabaan ng Gutierrez St., ng nasabing lungsod bandang alas-7:42 ng gabi.

Ang pagsabog , ayon sa opisyal ay naganap sa pagitan ng GSIS Building at ng barter trade sa nasabing lungsod.

Bago ang insidente ay ilang kahinahinalang kalalakihan ang nakitang umaaligid sa lugar na hinihinalang miyembro ng LMG na nasa likod ng pagpapasabog.

Show comments