^

Probinsiya

Sanggol kinatay ng ama sa duyan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang 32-anyos na ama matapos pagsasaksakin ang kanyang 3-buwang gulang na anak na babae sa Barangay Puntod, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni PO1 Camaluddin Macmac ng Cagayan de Oro City PNP, naitala ang krimen bandang alas-10:30 ng gabi kung saan kinilala ang biktima na si Scarlet Delagon.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Victoriano Delagon ng Block 2 sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, naalimpungatan sa pagkakatulog ang ina ng bata na si Christine nang marinig ang iyak ng sanggol kaya bumangon ito.

Dito namataan ang suspek na nakaupo sa tabi ng duyan na hawak ang ­duguang patalim.

Nagsisigaw naman si Christine nang makitang dugu­an ang anak na hindi na guma­galaw matapos saksakin ng kanyang mister na sinasa­bing nanlilisik pa ang mga mata.

Inaalam na rin ng pulisya kung may katotohanan ang pahayag ng misis ng suspek na may diperensya ito sa pag-iisip kaya nagawa ang krimen.

vuukle comment

BARANGAY PUNTOD

CAMALUDDIN MACMAC

DITO

INAALAM

MISTULANG

NAGSISIGAW

ORO CITY

SAMANTALA

SCARLET DELAGON

VICTORIANO DELAGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with