Magsasaka tinodas

CAVITE ,Philippines – Patay na nang matagpuan ang  isang magsasaka sa isang taniman ng kape na may tama ng mga bala sa katawan kahapon ng umaga sa Purok 4, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.

 Sa ulat ng tanggapan ni Cavite Provincial Director P/ Sr Supt John Bulalacao, ang biktima ay kinilalang si Vinancio Cortez alyas Bina, 61 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente sa lugar.

 Base sa imbestigasyon ni PO2 Robert Dimailig, may hawak ng kaso dakong alas-7:41 ng umaga ng ipagbigay alam sa himpilan ng pulisya ni Patrick Coro alyas Pat, 37 anyos ang pagkakatagpo sa nakahandusay na katawan ng biktima sa taniman ng kape dito.

Nagresponde naman ang mga awtoridad at narekober sa lugar ang bangkay ng biktima, anim na basyo ng cal 9 MM at apat na basyo ng cal. 45 pistol. Iniimbestigahan na ang kasong ito.

Show comments