Barangay chairman pinabulagta

MANILA, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napatay matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bisinidad ng Barangay Matibay sa Lamitan City, Basilan kamakalawa ng tanghali. Nabatid na lulan ng motorsiklo si Chairman Hadji Shariff Mayarin patungong Barangay Basak nang dikitan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Hadji Sulaiman Street sa nasabing lungsod. Nagawa pang maisugod sa Dr. Torres Hospital ang biktima ng ilang concerned citizen subalit nabigong maisalba ang buhay.

Show comments