Ex-pulis Itinumba

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isa na namang retiradong pulis ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di-kilalang kalalakihan sa Barangay Gabut sa bayan ng Dupaz Del Sur, Nueva Vizcaya kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Elmer Beltejar, Nueva Vizcaya PNP director ang napaslang na si ex-SPO4 Isabelo Carpio, 60, security guard sa Vizcaya Agricultural Trading Center sa bayan ng Bambang at nakatira sa bayan ng Aritao. Base sa police report, papauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo mula sa kanyang trabaho nang tambangan sa bisinidad ng Sitio Saniata.

Show comments