^

Probinsiya

4 mag-uutol utas sa Friday the 13th

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Apat na mag-uutol ang iniulat na nasawi matapos malunod sa Cagayan River na sinasabing magkakasamang naligo dahil sa pamahiing maitataboy ang masamang kapalaran sa pagkamatay ng kanilang lolo noong Friday the 13th sa Barangay San Isidro, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Michael Alayban, 28, Marlon Alayban, 22; Ignacio Alayban, 18; at si Mildred Alayban, pawang nakatira sa Barangay Divisoria sa bayan ng Enrile, Cagayan.

Lumilitaw sa imbestigasyon, ang mga biktima ay sumamang nakipaglibing sa kanilang namayapang lolo.

Matapos makipaglibing mula sa sementeryo ay dumiretso sa Cagayan River para maligo ang mag-uutol bilang tradisyon sa paniniwalang maitataboy ang masamang kapalaran sa nabubuhay pa nilang kamag-anak.

Subalit maging ang apat na magkakapatid ay sinakluban ng masamang kapalaran na nagkataon namang Friday the 13th kung saan nakasalubong si kamatayan sa nasabing ilog.

Narekober naman ang mga bangkay ng apat na magkakapatid ilang oras matapos malunod.

vuukle comment

APAT

BARANGAY DIVISORIA

BARANGAY SAN ISIDRO

CAGAYAN RIVER

ENRILE

IGNACIO ALAYBAN

ISABELA

MARLON ALAYBAN

MICHAEL ALAYBAN

MILDRED ALAYBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with