LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines – Isang 45-anyos na magsasaka na sinasabing nanapak ng kapitbahay na misis ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng mister ng huli sa Barangay Gnagao sa bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa ng hapon. Nakilala ang nasawi na si Jerry Belarde habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Rogelio Dgonio, 59. Sa police report, lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ang biktima at suspek nang sumiklab ang pagtatalo. Dito sinapak ng biktima ang misis ng suspek kung saan nauwi sa pamamaslang sa una.