Mister nag-dive sa dagat, todas

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang mister matapos mahulog mula sa barko sa Bacolod City, Negros Occidental kahapon. Kinilala ang biktima na si Manuel Quilliano Jr. na sinasabing lumundag mula sa RORO vessel may 15 metro ang layo mula sa Bredco Port. Ayon kay P/Senior Insp. Lester Llada, pinabulaanan naman ng pamilya Quilliano na kusang lumundag ang biktima mula sa barko.Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang pamilya na patungong Victorias City mula sa Dumangas, Iloilo para magbakasyon.

Show comments