Shabu tinangkang ipuslit, 3 tiklo

BAGIUO CITY, Philippines   – Tatlong tinedyer ang naaktuhan ng mga awtoridad na tangkang ipuslit ang ilang gramo ng bawal na droga sa Baguio City Jail noong Sabado ng hapon. Sa ulat nakarating kay Bureau of Jail Management and Penology JO1 Bonbon Pancog, ang tatlong suspek na itinago ang pagkakakilanlan ay tinangkang ipasok ang 6.1 gramo ng shabu kung saan itinago sa lechon. Ang shabu ay nakalagay sa walong plastic sachet na aabot sa halagang P37,800. Napag-alamang dadalhin sana ang droga sa isang inmate na si Vener Nagen na sinasabing nakulong sa kasong rape noong 2009. Lumilitaw na napag-utusan lamang ng isang babae sa Abanao Square na dalhin ang shabu kay Nagen kapalit ng P100. Itinanggi naman ni Nagen ang akusasyon ng mga suspek habang ang tatlo naman ay dinala sa lokal na sangay ng DSWD para sa disposisyon.

Show comments