Bus vs bike: 2 todas

CAMARINES NORTE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang magkaangkas sa motorsiklo matapos salpukin ng pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Del Rosario, Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rodrigo Mitra, 34, ng Pili, Camarines Sur at Christian Andrei Manrique, 29, ng St. Paul Subdivision sa nasabing bayan. Kaagad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng Mega Bus Line na si Joel Balbas, 47. Lumilitaw na patungong Maynila ang bus nang makasalpukan ang motorsiklo ng dalawa sa madilim na bahagi ng highway.

Show comments