Bahay ng reporter niratrat
- Ni Jonie Capalaran () - November 22, 2011 - 12:00am

BALANGA CITY, Bataan ,Philippines  – Nagkabutas-butas ang bahay ng isang reporter ng national tabloid makaraang ratratin ng mga 'di-kilalang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Sitio San Rafael, Barangay Tuyo sa Balanga City, Bataan. Basag ang mga salamin ng bintana, mga gamit sa bahay ni Nerlie Ledesma, reporter ng Abante at presidente ng Tagnihao Homeowner Association. Dakong alas-10:40 ng gabi nang gulantangin ng sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng baril ang nasabing bahay subalit wala namang nasawi o nasugatan dahil nasa loob ng kanilang kuwarto ang mag-asawang Ledesma at anak. Noong September 12 ay pinagbabaril din ang bubungan ng bahay ni Ledesma kung saan narekober ang 26 basyo ng M16 Armalite rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ABANTE ARMALITE BALANGA CITY BARANGAY TUYO BASAG LEDESMA NERLIE LEDESMA NOONG SEPTEMBER SITIO SAN RAFAEL TAGNIHAO HOMEOWNER ASSOCIATION
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with