Lola uminom ng sabon, dedo

SOLANO, Nueva Vizcaya,Philippines – Isang  88-anyos na lola ang tuluyang kinalawit ni kamatayan matapos uminom ng powder na sabon na pinagkamalan na gatas sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa. Ayon sa ulat, nakilala ang biktima na si Lola Sufing Dangani, residente ng Barangay Bliss, Enrile, Cagayan. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagtungo sa kusina ang biktima upang magtimpla sana ng kanyang gatas subalit dahil umano sa malabo na ang paningin ay tinimpla ang powder na sabon na pinagkamalan niyang gatas. Matapos mainom ay nakaranas agad ito ng pananakit sa tiyan at pagsusuka kung kaya’t mabilis siyang isinugod sa People’s General Hospital ng Tuguegarao City, subalit dito na umano siya nalagutan ng hininga.

Show comments