Birthday celebrant nilikida

CAVITE, Philippines  – Kamatayan ang naging kapalit sa selebrasyon ng kaarawan ng isang 22-anyos na lalaki matapos itong mapagtripang gulpihin at barilin ng grupo ng kabataan na sinasabing adik sa ba­wal na droga sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Lumilitaw na pauwi ang biktimang si Boyet Lagmay sa Blk. 21, Lot 6, Phase 5 sa Brgy. Paliparan 3 mula sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan kaugnay sa kanyang kaarawan nang harangin at gulpihin sa gilid ng kalsada.

Bukod sa palatandaang pinahirapan ay niratrat pa ang biktima.

Show comments