Trike vs SUV: 2 patay

BULACAN – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng SUV ang traysikel sa MaActhur Highway sa Barangay Abangan Sur sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktima na sina Ma. Jacinta Alberto 48, ng Northern Hills at Larry Dela Cruz, 35, ng Pateco Compound sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City habang naaresto naman ang driver ng Toyota Land Cruiser (NPD 108) na si Abelardo Borlongan, 50, ng Celia St., Brgy. Panginay sa bayan ng Balagtas. Sa ulat ni PO2 Joel Boalan, naganap ang sakuna sa madilim na bahagi ng highway dakong alas-4:30 ng madaling-araw kung saan patungo sana sa Meycauayan City ang traysikel ng mga biktima.

Show comments