2 haydyaker todas sa pulis

MANILA, Philippines - Bumulagta ang dalawang notoryus na miyembro ng carjacking gang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Daang Hari Road, Barangay Pasong Buaya 1 sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng mada­ling-araw. Gayon pa man, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay. Nabatid na naispatan ng mga pulis ang grupo ng kalalakihan na lulan ng motorsiklo at kulay puting Mitsubishi Lancer (WRE-826). Napag-alamang may planong haydyakin ng grupo ang10-wheeler truck (RJV 912) kung saan inaabangan ng mga ito sa nasabing lugar.

 Tinangkang sitahin ng mga pulis ang grupo nang paputukan sila kung saan nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa habang isa pa ang suga­tang nakatakas.

Show comments