Manager sa pantalan nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philppines – Napaslang ang isang 55-anyos na manager sa pantalan makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Sitio Alimango, Barangay Concepcion sa bayan ng Cataingan, Masbate kahapon ng umaga. Nasapol sa dibdib at tiyan ang biktimang si Antonio Loon, asst. port manager ng Cataingan Roro Port at dating barangay chairman sa Barangay Liong. Batay sa police report, pasakay na sa motorsiklo ang biktima nang lapitan at ratratin habang patuloy naman ang imbetigasyon ng pulisya.

Show comments