KFR member tiklo

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines  — Umiskor ang mga operatiba ng pulisya makaraang masakote ang isang pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na miyembro ng Waray-Waray kidnap-for-ransom gang na responsable sa pagdukot sa dalawang magkapatid na menor-de-edad na babae noong Marso 2009. Kinilala ni Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez Jr. ang naarestong suspek na si Lito Destrajo 31, tubong Javier, Leyte at residente ng Laura St. Pandacan, Manila ay may nakabimbing warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Leili Cruz-Suarez ng RTC Br. 63 sa Pasig City at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan. Ang nasabing suspek ay nasakote habang lulan ng isang jeepney sa lungsod na ito ng mga nakaposteng awtoridad na matagal na itong tinutugaygayan. Sa tala ng pulisya, ang grupo ng suspek ay sangkot rin sa panghoholdap sa dalawang establisyemento sa Brgy.Paliparan,Dasmariñas,Cavite noong Hulyo 2011 at may pabuyang P200,000 na kabilang din sa mga most wanted sa bansa.

Show comments