Binata tinodas ng karibal sa pag-ibig

CAMARINES NORTE, Philippines — Napaslang ang isang 34-anyos na binata makaraang tagain sa leeg ng kanyang karibal sa pag-ibig sa Purok 4, Brgy. Pambuhan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr.,  lumilitaw na nagkasiyahan ang biktimang si Wenceslao Flores kasama ang kanyang mga kaibigan sa bahay ng isang nagngangalang Nena. Gayon pa man namataan ng suspek na si Romeo Dawat Jr. sina Flores at Nena ay masayang nagkukuwentuhan kaya kinompronta nito ang biktima. Nauwi sa hindi pagkakaintindihan ang komprontasyon hanggang sa mauwi sa pamamaslang sa biktima.

Show comments