3 salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Tatlo katao na pawang tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natagpuan sa  isang bakanteng lote sa bayan ng Naic, Cavite kahapon ng umaga. Sa ulat, bandang alas-6 ng umaga  ng matagpuan ang naturang mga salvage victims na pawang mga lalaki sa isang bakanteng lote sa Brgy. Dimalang, Naic ng lalawigang ito. Ayon sa mga awtoridad ang mga biktima ay pawang nakapiring, nakagapos  ng lubid ang mga kamay at mga paa. Sa teorya ng mga awtoridad, pinaniniwalaan namang ang mga biktima ay pinaslang sa ibang lugar at itinapon lamang ang bangkay sa naturang lugar upang ilihis ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Narekober rin ng pulisya ang ilang piraso ng tiles na may mga nakasulat na numero. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na ng pulisya.

Show comments