^

Probinsiya

Lola todas, 16 pa sugatan sa banggaan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 68-anyos na lola ang nasawi habang 16 pang pasahero ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang pampasaherong bus at kasalubong nitong multicab kahapon ng umaga sa Brgy. West, Candoni, Negros Occidental. Batay sa ulat, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. ang nasawing biktima na si Esperanza Lausa, idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. Patuloy namang ginagamot ang 16 pasahero na pawang sakay ng multicab. Sa imbestigas­yon, dakong alas-7:45 ng umaga nang magbangaan ang Ceres bus (FWR -348 ) na pag-aari ng Vallacar Transit Inc. na minamaneho ni Nemesio Dacumos at ang kasalubong nitong multicab (JDK 402) na pag-aari at minamaneho naman ng Brgy. Kagawad na si Randy Dollosa. Nabatid na nabulaga ang multicab sa biglaang pagsulpot ng bus na tuluy-tuloy itong inararo.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

BATAY

BRGY

CANDONI

ESPERANZA LAUSA

NEGROS OCCIDENTAL

NEMESIO DACUMOS

RANDY DOLLOSA

SPOKESMAN CHIEF SUPT

VALLACAR TRANSIT INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with