Bike vs SUV: 1 patay, 2 grabe

CAMARINES NORTE, Philippines – Isang 18-anyos na lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos masalpok ang motorsiklo ng SUV sa panulukan ng Bagasbas Road at Gahonon Road sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa  ng gabi. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Alvin Moral ng Purok 4, Brgy Macogon, Labo, Camarines Norte. Sugatan naman sina Carlo Dolera, 18 at Onyok Velasco, 14. Sumuko naman ang drayber ng sasakyan na si Mario Dela Cruz, 47, editor ng pahayagang Bikolandia Update at nakatira sa J. Pimentel Street sa bayan ng Daet. Lumilitaw na magkakaangkas ang tatlo sa motorsiklo (OQ 7285) nang mahagip ng SUV (UMH 158) na nakarehistro sa pangalan ni Wilfredo Chato na mister ni ex-Rep. Liwayway Vinzons Chato. Ayon sa ulat, nagbigay naman ng P40,000 si Dela Cruz sa pamilya ng biktima.

Show comments